31 C
New York

Cryptoday 073 – First Impression sa Cyball

Date:

Share some Bitpinas love:

Gumastos ako ng lagpas $4,000 sa pag-aaral ng Cyball nitong nakaraang linggo, habang nilulunsad ng YGG ang unang batch ng scholarship sa papausbong na P2E game na ito.

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here on March 5, 2022. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Cryptoday 073 – First Impression sa Cyball Blockchain, News PlatoBlockchain Data Intelligence | Vertical Search AI

Cyball First Impressions

Table of Contents.

Disclaimer: Ginamit ko ang lahat ng aking personal funds sa pagbili ng mga NFT na kakailanganin ko sa larong ito. Hindi ako tumanggap o humiram ng kahit anong assets mula sa YGG. Wala rin akong direktang ugnayan sa team ng Cyball maliban sa kanilang Telegram group kung saan nabasa ko ang mga naging development update nitong Pebrero. Hindi ito isang full review, pero isa lamang itong listahan ng mga first impression ko matapos ang isang linggong paglaro ko sa game na ito.

Cryptoday 073 – First Impression sa Cyball Blockchain, News PlatoBlockchain Data Intelligence | Vertical Search AI
Cyball

Kung sakaling hindi mo pa kilala ang Cyball dahil sa dami ng mga bagong P2E project ngayon, ito ay isang turn-based strategy game na may temang cyborg soccer at available sa BNB Chain.

Humiram ito ng ilang ideya sa Axie Infinity, kaya maiksing oras lang ang kakailanganin ng mga beteranong manlalaro upang magamay ang pasikot-sikot ng Cyball.

Ito ang mga general impression ko sa larong ito: may mga kakulangan pa ito at hindi rin ito ganoong kalalim kung estratehiya ang pag-uusapan. Nakatakdang ilabas ang bagong updated version ng laro na Cyball Reborn bago matapos ang buwan na ito at inaasahan kong tutugunan nito ang ilan sa mga naging concerns ko.

Gayunpaman, masasabi nating nakinabang ang larong ito sa napulot nitong mga aral sa Axie Infinity sa loob ng 3 taon, kaya naman ngayo’y mas pulido na ito kumpara sa mas naunang bersyon.

Paano Magsimulang Maglaro ng Cyball

Upang makapagsimula sa Cyball, mangangailangan ka ng 3 Cybloc NFT na magrerepresenta sa mga soccer player sa inyong team.

Bawat Cybloc character ay may anim na traits, tulad ng Tackling, Passing, Shooting, atbp., at ang bawat trait ay may katumbas na numeric value.

Makakakuha ka ng puntos sa pagkumpara ng trait value ng iyong napiling Cybloc sa stats ng napiling Cybloc ng iyong kalaban. Halimbawa, kung ang active trait para sa kasalukuyang round ay “Tackling”, at ang iyong Cybloc ay may Tackling value na 50, samantalang 40 naman ang sa Cybloc ng iyong kalaban, ibig sabihin, nanalo ka sa round na ito.

Samakatuwid, masasabi mong well-rounded ang isang Cybloc kung mayroon itong matataas na values sa lahat ng anim na traits. (Tataas ang mga value na ito kasabay ng paglago ng experience ng iyong Cybloc.)

Mga Mas Mahal na Cybloc

Ang mga mas mailap (o mas mahal) na Cybloc ay may mas matataas na value sa marami nitong traits, at ang mga mas karaniwang (o mas mura) uri naman nito ay may mas mabababang value. Tulad ng Axie Infinity, makakatanggap ka ng mga token (CBT ang kanilang bersyon ng SLP) kapag nanalo ka sa mga duel laban sa ibang players, pero ang pagiging hindi pangakaraniwan ng iyong Cyblocs ay may epekto rin dito. Ang aking team ay binubuo ng isang gold, isang silver, at isang bronze Cybloc, at ang pagkakaiba ng kinita ko mula sa bronze Cybloc sa kinita ko sa gold ay aabot sa 80%. Hindi pa pwedeng ipalit ang CBT sa ngayon, kaya mas magandang ipunin muna ang  mga ito.

Bilang ng Energy Kada Araw

Tulad ng Axie Infinity, mayroon lamang tiyak na bilang ng energy ang isang player kada araw, kaya napipigilan siyang i-grind ang laro nang labis.

Sa kasawiang palad, sa pagkakataong maubos ng player ang kaniyang energy sa araw na iyon, hindi na muli siyang makakalaro sa ibang pang matches, mayroon man o walang rewards. (Umaasa akong magkakaroon sila ng no-stake “practice” mode sa hinaharap, kung hindi, mukhang mahihirapan ang mga tao na aralin ang laro).

Pinapayagan ng Cyball ang mga player nito na kumita mula sa ‘di lalagpas na 20 na laro kada araw, kaya may ideya tayo kung gaano kapaki-pakinabang ang larong ito para sa mga average scholar na may all-bronze team. Kung ang theoretical exchange rate nito ay nasa PHP 2.00 (USD $0.04) at ang isang player naman ay may 55% win rate o higit pa, samakatuwid, maaaring kumita ng 7000 pesos kada buwan ang isang average na Pinoy iskolar ng Cyball. Kung mag-a-apply ka sa karaniwang scholarship ratio na 70% ng YGG, makakatanggap ang isang iskolar ng 4850 pesos na net. (Tandaang hindi ako nagsasalita para sa YGG sa kalkulasyong ito, at hindi rin ito opisyal na pahayag mula sa guild). Ang floor price para sa isang team na tulad nito ay aabot sa $1000 sa Cyball marketplace, kaya mukhang ang ROI timeframe ay aabot ng 9 na buwan kung sakaling gustuhin mong bumili ng sariling team.

Breeding sa Cyball

Mayroon ding breeding component dito, na nakapagtatakang tinawag na “mentoring” sa laro. Kailangang umabot na sa 5 araw ang gulang ng iyong Cybloc bago mo ito maisalang sa breeding/mentoring, pero ang magandang balita ay maaari kang mag-breed ng isang bagong junior Cybloc gamit isang mas matandang Cybloc.

Tulad ng Axie Infinity, ang halaga ng pagbi-breed ay tumataas sa bawat bagong attempt, at ang isang Cybloc ay maaari lamang mag-breed ng tatlong beses. May nagsabi sa akin na ila-live umano ang breeding functionality ng Cyball ngayong Marso. Ibig sabihin, ang kanilang CBT token ay ila-live din kasabay nito. Dagdag pa rito, sa unang mga linggo ng pagbi-breed, magkakaroon ng malaking discount sa presyo nito, na siya namang magbibigay kakayahan sa mga players na makapag-breed ng maraming Cyblocs nang mabilis.

Sa kabuuan, masasabi nating ang Cyball ay nasa tamang direkyson sa kanyang early stages. Ngayong marami nang nagsusulputang 5v5 games, maasahan natin na ang mga estratehiya ay mas magiging komplikado. Dahil ako ngayon ay namumuhunan sa kanilang NFT, naeengganyo ako ngayong subaybayan ang ecosystem nito at sinisigurado kong ang aking naging investment ay napapanatiling malusog, kaya’t antabayanan ninyo ang mas marami ko pang updates tungkol sa Cyball sa mga susunod na linggo.

YGG Summit

Cryptoday 073 – First Impression sa Cyball Blockchain, News PlatoBlockchain Data Intelligence | Vertical Search AI

PS. Katatapos lang namin sa kauna-unahang Managers Summit ng YGG kaninang umaga, at sa unang pagkakataon, napagsama-sama namin sa isang pagtitipon ang buong Philippines-based team sa loob ng 3 araw. Inanunsyo namin ang ilan sa mga bago naming malalaking proyekto na siyang ating magiging paksa sa mga susunod na araw, pero ngayon, sapat nang sabihin na ang taong 2022 ay magiging kapanapanabik. 

This article is published on BitPinas: Cryptoday 073 – First Impression sa Cyball

Share some Bitpinas love:

Related articles

spot_img

Recent articles

spot_img