20.1 C
New York

Cryptoday 060 – Crypto.com Review (Tagalog)

Date:

Share some Bitpinas love:

Sa nakaraang Cryptoday, isinulat ko ang hirap na aking pinagdaanan sa pagkuha at paggamit ng Crypto.com debit card. Nakaharap ako ng samu’t saring problema sa bawat hakbang: mula sa pagbubukas ng account, pagverify ng ID, maging sa customer support. (Sa katunayan, ang natatanging lugar kung saan ito ay siguradong gumagana ay sa feature nitong $CRO staking). Ngayong nagagamit ko na ang card, maibabahagi ko na sa inyo ang aking review.

This opinion article translated into Tagalog by Hans Doringo of BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Cryptoday 060 – Crypto.com Review (Tagalog) Blockchain, News PlatoBlockchain Data Intelligence | Vertical Search AI

Ano nga ba ang Crypto Debit Card

Table of Contents.

Una, pag-usapan natin ang konsepto ng crypto debit card. 

Alam nating walang bago sa Crypto.com card. Una akong nakatanggap ng dalawang crypto-backed debit cards na galing sa Xapo at ANX noon pang 2014. Sa kanilang dalawa, pareho ang aking pinagdaanan: kailangan mong ideposito ang iyong crypto sa kanilang custodial wallet app, pagkatapos, i-convert ang ilan sa mga ito sa fiat (kadalasan ay sa USD) bago ito tuluyang magamit pambili. 

Dahil halos lahat ng aking pera ay nasa crypto, hindi ko lubos mailarawan kung gaanong kapaki-pakinabang ang mga card na tulad nito. Hinahayaan ka nitong tratuhin ang iyong fiat balance bilang iyong “spending budget” habang patuloy mong na-aaccess ang iyong crypto “savings” sa parehong app. 

Ngunit masyadong maaga ang Xapo at ANX sa larangan ng mga crypto debit card, at kalaunan ay parehas na nahinto ang mga original card na ito. Noon kasi, matatandaang itinuturing na black-market asset ang crypto, kaya’t marami sa mga naunang debit card ang na-discontinue dahil na rin sa sandamakmak na regulatory concerns.

Crypto.com Debit Card

Pero ngayon ay 2021 na at bumibili na ng mga stadium ang mga crypto company. Ang Crypto.com naman ay naging mas agresibo: kinuha nila si Matt Damon bilang kanilang main ambassador sa kanilang campaign na “Fortune Favors the Bold”. 

Naiiba ang debit card nila sa lumang konsepto sa dalawang paraan. 

Una, kung gusto mo ng card na may mas magandang perks, hinihikayat ka nilang bumili ng ilang $CRO token at pagkatapos ay i-lock ito sa loob ng halos anim (6) na buwan. Pangalawa, ang perks ay napakarami kaya’t masasabi nating ito na ang pinakamagandang international debit card na bukas para sa mga Pilipino.

Cryptoday 060 – Crypto.com Review (Tagalog) Blockchain, News PlatoBlockchain Data Intelligence | Vertical Search AI

Susubukan kong maging partikular sa pagbabahagi ng aking sariling karanasan sa Crypto.com, hindi dahil gusto kong magyabang, pero dahil makatutulong ito na mabigyang linaw kung bakit gusto ko ang card na ito. 

Sa unang bahagi ng Oktubre, pinili kong mag-stake ng $4,000 halaga ng $CRO para makuha ang mid-tier Jade Green card. Ito ay may 6 na buwang lock-up, kaya kailangan mo itong pag-isipang mabuti bago ka “magstake” ng maraming pera dito. Noong mga panahon na iyon, ang $CRO ay $0.18. 

Crypto.com Debit Card Verification

Pagkatapos kong mai-lock ang aking stake, dumaan ako sa napakahabang proseso ng customer verification para lang makuha ang aking account na upgraded para sa debit card. Matapos ang masalimuot na customer support discussion, nakuha ko na ang fully verified kong account at ang aking bagong-labas na debit card. Umabot ng halos 6 na linggo ang buong proseso, at muntik ko nang sukuan ang ilan sa mga bahagi ng prosesong ito. 

Noong mga oras na totoong activated na ang aking debit card, ang $CRO ay $0.40, kaya nadoble ko ang aking posisyon sa hindi inaasahang pagkakataon. Matapos nilang ianunsyo ang pagbili nila sa naming rights para sa Staples Center sa US, naranasan ng $CRO ang simula ng kaniyang ‘di-mapigilang “bull run”. Ngayon lang umaga, ang $CRO ay humigit $0.80 na, kaya’t ‘di ko sinasadyang mapalaki ng apat na beses ang aking investment, dahil lang sa gusto kong pag-eksperimentuhan ang debit card na ito.

Crypto.com Debit Card Rewards

Talakayin naman natin ang ilan sa mga nasabing perks. Ang pinakamahalaga dito ay ang $CRO Rewards, na sa katunayan ay isang real-time cashback. Sa tuwing gagamitin mo ang Green debit card, sa anumang halaga, makakakuha ka agad ng 3% cashback sa CRO tokens. Kung umangat ka pa sa mas mataas na tier na Gold o White cards, ang cashback ay lalo pang aangat ng 5%. At syempre, kung nanaisin mo namang mag-stake ng $400,000 sa Obsidian tier, para ka lang tumatanggap ng 11/11 discount kada araw sa loob ng isang taon. 

Dahil ang cashback reward ay real-time, pwede mo itong i-convert na agad sa stablecoin (o para sa akin, $BTC sa kamakailan nitong dip) doon mismo sa app, kahit kailan mo man naisin. 

At syempre, mayroon pang ibang mga bagay: Ang Netflix at Spotify ay libre sa Green tier, samantalang sa mas matataas na tier, ang Amazon Prime at malaking discount sa Expedia na para sa mga madalas mag-travel naman ang kasama.

Ngayon, pag-usapan naman natin ang ilan sa kanyang mga downsides. Ang debit card ay mukhang maayos namang gumagana sa lahat ng physical venues kung saan ko ito sinubukang gamitin (sa iba’t ibang restaurant sa BGC, the Samsung Store sa SM Aura, at maging sa isang Petron gas station). 

Subalit ito’y hindi laging maaasahan sa online purchases. Hindi ko ito napagana sa online Apple Store or Lazada, ngunit gumana naman noong nag-book ako ng kwarto sa isang hotel at noong bumili ako ng isang royalty-free sound effect. Nagtagal ako ng isang linggo sa customer support chat para lang malaman ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sa ngayon, ang tanging bagay na masasabi kong tiyak ay gumagana ito sa mga POS terminal at sa mga physical store. 

Nakararanas ngayon ang Crypto.com ng isang malaking growth spike, kaya pinaalalahanan ko kayong baka tumagal ng 2 hanggang 3 beses ang pag-iintay bago nila matutugunan ang inyong mga support concerns. Sa huling salita, masasabi kong napakaganda ng debit card na ito kapag gumagana ito ng tama.

Cryptoday 060 – Crypto.com Review (Tagalog) Blockchain, News PlatoBlockchain Data Intelligence | Vertical Search AI

Crypto Market Price

Maikling komentaryo sa kamakailang market trends! 

Naging mabagal ang Bitcoin sa pag-break through ng $60k matapos ang dip nito noong nakaraang linggo, samantalang ang ibang market naman ay nakaranas na ng rebound. Ito ay mukhang dahil sa Mt Gox, ang pangalang tandang-tanda pa ng mga Bitcoin OG bilang lugar ng unang malaking kahangalan sa industriya. 

Noong 2014, bumagsak ang Mt Gox exchange matapos madiskubre na 850,000 BTC ang nakulimbat sa treasury nito. Sinusubukan ng korte sa Japan na ayusin ang sitwasyon mula noong ito ay bumagsak, at sa wakas ngayon buwan, mukhang inaaprubahan na ang planong bayaran ang mga customers na nawalan ng Bitcoins sa mga nagdaang taong iyon. Maraming $BTC iyan na maaaring bumaha sa market, galing sa mga customers na nagdusa sa loob ng halos 8 taon. Ang repayment ay naka-schedule sa unang bahagi ng 2022, pero mukhang pinepresyuhan na ng market ang potensyal na epekto nito.

Isang mapagpalang weekend sa inyo, mga ka-crypto! Kita-kita tayo sa December! 

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 060 – Crypto.com Review (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

PlatoAi. Web3 Reimagined. Data Intelligence Amplified.

Click here to access.

Source: https://bitpinas.com/op-ed/cryptoday-060-crypto-com-review-tagalog/

Related articles

spot_img

Recent articles

spot_img