20.2 C
New York

Cryptoday 031: Good Day, Managers (Tagalog)

Date:

Share some Bitpinas love:

This opinion article is translated into Tagalog by BitPinas which is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog versions of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. 

1) Kahapon ay nakabili na rin ako ng sarili kong Axie team (salamat, CryptoShanks!) Bagama’t ilang buwan na akong may mga iskolar at isang breeding farm, ngayon pa lang ako lalahok sa Axie Infinity ecosystem hindi bilang investor kundi bilang manlalaro. Sa di sinasadyang pagkakataon ay biglang umakyat rin ang $AXS sa pinakamataas nitong presyo na 3,653 pesos, 88% na mas mataas kumpara noong nakaraang Linggo. Marami akong investments ngayong taon kung saan naglagay ako ng pera bago umakyat ang kanilang presyo, ngunit itong sa $AXS sa tingin ko ay sinuwerte lang talaga ako. 

Cryptoday 031: Good Day, Managers (Tagalog) News PlatoBlockchain Data Intelligence | Vertical Search AI

Ang Aking Unang Axie Team

Table of Contents.

2) Gumastos ako ng 0.6 ETH para sa aking Axie team. Ginugol ko ang unang oras sa pagbabasa ng beginner guides habang naglalaro sa adventure mode. May dalawang rason kung bakit ako nagdesisyon sa wakas na maglaro na ng Axie Infinity. Una, ang aking mga NFTart ay patuloy na kumikita. Nais kong gamitin ang income mula sa NFTart para mapag-aralan maigi ang larong ito. Pangalawa, inanunsyo ng Sky Mavis ang ilang mga pagbabago na pakiramdam ko ay maganda para sa kinabukasan ng Axie Infinity.

SLP Rewards Update sa Axie Infinity

3) Ang pagbabago? Hinati ng Sky Mavis ang kinikitang SLP ng mga players sa paglalaro at mas mataas na ang rewards kapag mataas ang iyong ranking sa PVP (competitive tier). Marami sa mga naglalaro ng Axie ay nasa “casual tier” (ang kanilang MMR points ay madalas nasa 1100 – 1300). Dahil sa bagong update, ang dating kinikita nila na 200 SLP ay mababawasan pa, at ang kanilang income ay maglalaro na lang sa pagitan ng 100 hanggang 120 SLP. Ang mga competitive na players ay kaya pa rin namang umabot sa 200+ SLP kada araw at base sa leaderboard, ang top 100 players ay nasa 1800 MMR na ngayon.

Cryptoday 031: Good Day, Managers (Tagalog) News PlatoBlockchain Data Intelligence | Vertical Search AI

4) Bakit mas interesado ako ngayon sa Axie Infinity bilang isang manlalaro dahil sa update? Ito ay dahil mas binigyan ng prayoridad ang galing ng manlalaro kaysa sa “oras na ginugugol sa paglalaro.” Magiging mas-makahulugan na ngayon ang pag-akyat sa competitive ladder. Dati ay hindi ako interesado dahil parehas lang ang kinikita ng average player at ng above average na player. Seryoso ako sa mga larong gaya nito (lingid sa inyong kaalaman ay marami rin akong napanalunang maliliit na gaming tournaments dati) kaya hindi ko mapagtanto kung bakit parehas ang kinikita ng mga competitive at casual na manlalaro. Hindi rin ako willing mag-grind 24 hours a day. Pasensya na, mga managers!

Cryptoday 031: Good Day, Managers (Tagalog) News PlatoBlockchain Data Intelligence | Vertical Search AI

5) Pag-usapan natin ang impact ng adjustment ng SLP. Noong nakaraang newsletter, sabi ko ay dapat tayong mag-expect ng 4 bilyong piso na halaga ng SLP na ibabagsak sa market mula Agosto 9 hanggang Agosto 20. Ito ay manggagagaling sa 200,000 na bagong players ng Axie Infinity. Dahil sa adjustment, mukang mali tayo ng 1 bilyong piso. Kung pagbabasehan ang pagbaba ng supply ng SLP at ang presyo ng $AXS na ngayon ay umabot na 3,534 piso, asahan na natin ang pagtaas ng presyo ng mga Axie teams dahil mas mataas na ang halaga ng pag-breed. Ngunit sa ngayon, mukang bumaba pa ang floor price ng mga Axies pagkatapos ianunsyo ang update. Sa aking palagay, may mga grupo ng breeders at manlalaro na natakot sa update na baka bumaba na ang presyo ng mga Axie na kanilang hawak. Ngunit mahirap patotohanan ang teoryang yun. 

Balita sa Ibang Bansa

6) Mga balita sa industriya ng crypto sa ibang bansa: Ni-reject ng US Senate ang kahit na anong crypto tax exemptions sa kanilang $1T infrastructure bill. Ibig sabihin ay pagdedebatehan nila muna ito sa kongreso.

Nawalan ng $600 milyon ang PolyNetwork sa pinakamalaking hacking incident sa kasaysayan ng ating industriya. Kailangan natin itong pag-usapan sa mga susunod na newsletter pagkatapos kong magbasa ng mas marami pang detalye kung paano ito nangyari. 

Update sa OMB at Trezor

7) Akala ko ay tapos na ang isyu tungkol sa website ng Optical Media Board noong Byernes. Ngunit Lunes ng gabi, may hacker na naman na nag-exploit ng kanilang portal. Pinalitan ang anumang nakalagay sa website ng isang larawan ng parte ng katawan ng lalaki. Hindi ko na ilalathala ang larawan dito ngunit nag-post ako tungkol dito sa Facebook noong Martes. Ngayong umaga, mukang balik na ulit sa normal ang website ng OMB. Sana lang ay nagsagawa sila ng isang “security assessment” dahil may posibilidad na may access ang hacker sa kanilang MySQL database na naglalaman panigurado ng lahat ng impormasyon – gaya ng pangalan at contact number – ng mga kostumer na umorder ng mga Trezor at Ledger dito sa bansa. Para bang nakamina ng ginto ang mga cybercriminals kung makuha nila ang impormasyong iyon. 

Manatili sana kayong ligtas, cryptofam! Hanggang sa Biyernes na uli.

This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 031: Good Day, Managers (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

PlatoAi. Web3 Reimagined. Data Intelligence Amplified.

Click here to access.

Source: https://bitpinas.com/feature/cryptoday-031-good-day-managers-tagalog/

Related articles

spot_img

Recent articles

spot_img